
Bumaba pa ang naitatalang kaso ng African Swine Fever (ASF) na sumasalanta sa industriya ng babuyan sa bansa.
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), as of January 10, mula sa mahigit 200 ay bumaba na sa 133 ang bilang ng mga apektadong barangay.
Ito ay mula sa walong rehiyon sa bansa.
Pinakamalaki pa rin ang bilang ng ASF active cases sa North Cotabato, na sinundan ng Kalinga Province.
Naglaan na ang Department of Agriculture (DA) ng P1.25-B para tulungan ang industriya ng pagba-baboy na makabangon mula sa ASF sa harap ng nanatiling mataas na retail prices ng pork product dahil sa kakulangan ng suplay.
Facebook Comments