Sinasabing paglabas ni Edgar Matobato ng bansa gamit ang kanyang bagong pangalan sa Philippine passport, iniimbestigahan na ng DFA

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala silang passport at biometrics records sa ilalim ng pangalang ‘Edgar Matobato.’

Kasunod ito ng report ng New York Times na nakalabas na ng Pilipinas ang sinasabing hitman ng Davao Death Squad, kasama ang pamilya nito.

Hindi naman tinukoy sa report kung saang bansa nagtungo si Matobato.


Sa report ng New York Times, sinabi rin nito na ibang pangalan na ang gamit ni Matobato sa kanyang passport.

Kaugnay nito, tiniyak din ng DFA na hindi nila palulusutin ang ano mang aplikasyon sa passport sa sinasabing bagong pangalan ni Matobato.

Nagpaalala rin ang DFA na ang iligal na pag-apply ng Philippine passport ay isang serious offense at may katapat na parusa sa ilalim ng Passport Law.

Tiniyak din ng DFA na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon dito at kung kinakailangan ay kanila itong ire-refer sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments