KASO NG DIARRHEA SA PANGASINAN PUMALO NA SA 3, 186;19 PATAY

28
LINGAYEN, PANGASINAN – Umakyat na sa 3, 186 ang tinamaan ng sakit na diarrhea sa Pangasinan ngayong taon.
Sa isang panayam, sinabi ni Dra. Anna Maria De Guzman, Provincial Health Officer, mataas ito kumpara noong nakaraang taon na mayroon lamang 1, 542.
Ikinababahala din ng ahensya ang 19 na nasawi ngayong taon dahil sa sakit.

Mataas aniya ito ng 107 porsyento.
Nagpaalala ang PHO na tiyaking malinis ang iniinom na tubig at pagkain na inihahanda.|ifmnews
Facebook Comments