Kinilala ang suspek bilang isang 45-anyos, may asawa, at drayber na residente ng naturang bayan.
Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa akusado kaugnay ng tatlong bilang ng kasong Qualified Rape. Ayon sa korte, walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Matapos ang pag-aresto, dinala ang akusado sa kustodiya ng Bauang Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang legal na proseso habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.
Ayon sa pulisya, ang matagumpay na pagdakip ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Philippine National Police laban sa mga wanted na personalidad upang mapanagot sa batas ang mga akusado at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










