
Patuloy pa ring inoobserbahan ang 10 manggagawa matapos makitaan ng sintomas ng radiation mula sa pabrika ng mga substandard na bakal sa Pampanga.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Chemical, Biological, Radiological, Nuclear, and Explosives and Foreign Malign Unit Atty. Zulikha Marie Conales, inirekomenda ng Department of Health (DOH) na obserbahan ang mga manggagawa matapaos kumpirmahin ng Philippine Nuclear Research Institute na may natagpuang radioactive materials sa loob ng planta.
Malalaman aniya ang kalagayan ng mga manggagawa kapag ilalabas na ng DOH ang cytogenetic examination ng mga manggagawa.
Dahil dito, ipinag-utos na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na ipatigil ang operasyon ng planta dahil sa panganib umano nito sa kalusugan ng mga manggagawa, publiko at kapaligiran.
Una rito, natuklasan ng mga awtoridad ang iba’t ibang paglabag sa kaligtasan ng mga manggagawa.
Kabilang na rito ang kakulangan sa benepisyo, safety program, personal protective equipment o PPE at ligtas na kagamitan sa trabaho.










