Klase sa isang paaralan sa Taguig, kinansela dahil sa bomb threat

Kinansela ang klase kanina sa isang eskwelahan sa Taguig City, matapos na makatanggap ng bomb threat.

Partikular na kinansela ang klase sa Signal Village National High School matapos na kumalat sa Facebook ang pananakot.

Agad naman na rumesponde ang bomb squad at mga pulis ng Taguig para halughugin ang paligid ng paaralan.


Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Taguig Police sa nakuhang screenshot ng comment message na kumalat online.

Hinimok din ng pulisya ang publiko na maging kalmado at alerto habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Pinapayuhan din ang lahat na i-report sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang bagay o kilos.

Facebook Comments