Dalawampu’t limang magsasaka sa Barangay Pangoloan, San Carlos City, Pangasinan ang nagtapos sa 16 na linggong pagsasanay sa makabagong paraan ng produksyon ng palay.
Ito ay matapos ang isinagawang Field Day at Graduation Ceremony ng Season-Long Farmers Field School on Sustainable Rice Production with Emphasis on PalayCheck System.
Sa loob ng apat na buwan, tinuruan ang mga kalahok ng wastong pamamaraan sa pagtatanim at pag-aalaga ng palay.
Kabilang dito ang paggamit ng PalayCheck System bilang gabay sa pagpapabuti ng produksyon.
Ipinakita rin sa aktibidad ang Participatory Technology Demonstration site, kung saan sinubukan ang iba’t ibang rekomendasyon sa pagpapataba ng palay.
Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang pagsasanay ng programa ng lokal na pamahalaan ng San Carlos City sa ilalim ng Extension Support, Education and Training Services.
Dumalo ang Committee on Agriculture, mga kawani ng City Agriculture Office, mga opisyal ng Barangay Pangoloan at mga magsasaka mula sa mga karatig-barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










