Monday, August 3, 2026

P85 wage hike, ilalaban ng pamahalaan sa kabila ng utos ng korte — Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na ilalaban ng pamahalaan ang pagpapatupad ng P85 wage hike para sa mga manggagawa sa kabila ng temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Pasig Regional Trial Court (RTC) na pansamantalang nagpahinto sa implementasyon nito.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, iginagalang ng pamahalaan ang naging desisyon ng korte, ngunit magsasagawa ito ng mga legal na hakbang upang maipatupad ang wage order.

Iginiit din ni Castro na ang anumang apela laban sa wage order ay dapat ihain sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board, na siyang nagpatibay sa dagdag-sahod, at hindi sa korte.

Ang Office of the Solicitor General (OSG) aniya ang nangunguna sa pagdepensa sa wage order upang matuloy ang pagpapatupad ng P85 umento.

Binigyang-diin ni Castro na karapatan ng pamahalaan na ipaglaban ang umentong nararapat para sa mga manggagawa.

Facebook Comments