Monday, August 3, 2026

Pagpapatupad ng naantalang P85 na dagdag sahod, patuloy na ipaglalaban ng DOLE sa legal na paraan

Nanindigan si Sec. Francis Tolentino na patuloy na pinapangalagaan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.

Ito’y sa gitna ng umiiral na legal na proseso kaugnay ng temporary restraining order (TRO) na nagpapatigil sa implementasyon ng minimum wage hike sa National Capital Region (NCR).

Ayon sa Kalihim, kaisa ng DOLE ng mga manggagawa sa pagsulong ng kanilang dignidad at kapakanan sa pamamagitan ng diwa ng tripartismo.

Aniya, patuloy na sinusuportahan ng DOLE ang wage hike at nananatiling kumpiyansa na mareresolba ang usapin sa pamamagitan ng tamang legal na proseso.

Naunang ipinahayag ni Tolentino na kumpiyansa siyang malulutas sa legal na paraan ang pagkaantala sa pagdagdag ng sahod upang matiyak na matanggap ng mga manggagawa ang nakatakdang adjustment sa kanilang sweldo.

Ipinahayag din ng kalihim ang matatag na paninindigan ng DOLE sa pagsulong ng karapatan ng mga manggagawa sa pamamagitan ng kanyang direktiba na magtayo ng Labor Attorneys’ Office (LAO) na magbibigay ng libreng legal assistance sa mga manggagawang nangangailangan.

Facebook Comments