
Hinamon ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at liderato ng kamara na mainindigan para sa intres ng mga manggawa.
Panawagan ni Cendaña kay Pangulong Marcos, sertipikahang urgent ang panukalang P200 legislated minimum wage hike habang apela naman nya sa liderato ng kamara, iprayoridad ang pagpasa nito.
Mensahe ito ni Cendaña kaakibat ng kanyang pagiit sa Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 152 na tuluyang ibasura ang petisyon laban sa P85 na umento sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region.
Nababahala si Cendaña na gamitin ang kasong nakabinbin sa Pasig RTC laban sa wage increase para harangin din yung ibang pending wage petitions sa ibang mga rehiyon sa bansa.
Katuwang ni Cendaña na naghain ng House Bill 766 o panukalang dagdag na 200 pesos sa minimum wage sina Representatives Chel Diokno, Dadah Kiram Ismula, at Rep. Kaka Bag-ao.










