HIGIT 40 ℃ NA HEAT INDEX, NARANASAN SA DAGUPAN CITY NITONG NAKALIPAS NA ARAW – DOST PAGASA

Patuloy na nakararanas ng matinding init ang ilang bahagi ng Pangasinan tulad sa Dagupan City kung saan pumalo sa mapanganib na lebel ang heat index sa mga nakalipas na araw, batay sa ulat ng DOST-PAGASA.

Ayon sa pinakabagong tala ng DOST-PAGASA nitong November 2, 2026, naitala sa Dagupan City ang 41°C na heat index mula October 29-30, 42°C noong October 31, habang 43°C naman noong November 2.

Ilang Dagupeño ang nakaramdam ng maalinsangan na panahon nitong mga nakaraang araw lalo na sa oras ng tanghali.

Samantala, sa DMMMSU Bacnotan, La Union ang pinakamataas na heat index sa buong rehiyon uno na umabot sa 44°C noong November 2.

Dahil sa patuloy na mataas na heat index, pinaaalalahanan ang publiko na mag-ingat laban sa heat cramps,heat exhaustion, at posibleng heat stroke kung labis na mabibilad sa araw.

Inirerekomenda ang pag-inom ng maraming tubig, pag-iwas sa matagal na paglabas sa tanghaling tapat, at pagsuot ng magagaan na kasuotan.

Nakadepende naman sa taya ng heat index maaaring mag-anunsyo ng suspensyon ng klase ang mga paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Samantala, umabot sa 43°C ang naitalang heat index sa Dagupan City, alas dos ng hapon, kahapon, November 3, 2026 ayon sa PAGASA-Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments