
Pinuna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kondisyon ng mga palikuran sa mga pampublikong paaralan.
Ayon kay Pangulong Marcos, ilan aniya sa kanyang mga napuntahang paaralan ay walang tubig ang palikuran.
Giit ng pangulo, nag-aalala siya para sa kalusugan ng mga estudyante kung hindi malinis ang pasilidad dahil sa kawalan ng tubig kaya naman pinatututukan ng pangulo ang paglilinis at pagpapaganda ng mga palikuran.
Kaninang umaga ay ininspeksyon ng pangulo ang dalawang paaralan sa Bulacan kasabay ng pagbubukas ng National School Maintenance Week.
Sa kanyang pag-iinspeksyon sa Barihan Elementary School sa Malolos, Bulacan, kabilang ang palikuran sa sinilip ng pangulo at nangako itong gagawan ng paraan ang kawalan ng supply ng tubig doon.
Facebook Comments