
Kinalampag ni Senator Risa Hontiveros ang Senado at Kamara na aksyunan na agad ang pagpapasa sa Bicameral Conference Committee ng panukalang dagdag na sahod.
Hindi aniya dapat mabitin ang “long-overdue” na umento sa sahod ng mga manggagawa ngayong malapit nang magsara ang 19th Congress.
Ayon kay Hontiveros, pareho namang sumasang-ayon ang Senado at Kamara sa Wage Hike Bill kaya oras na para mag-convene ang Bicam upang pag-isahin ang mga magkakaibang probisyon ng dalawang panukala.
Hiniling ng mambabatas ang mabilis na pagkilos dito ng Kongreso upang malagdaan na ito ni Pangulong Bongbong Marcos.
Iginiit ng Senadora na ang dagdag sahod ay pagkain sa mesa, pambili ng gamit sa eskwela ng mga anak, pamasahe, at para rin sa iba pang pangangailangan.