Koreanong big time swindler, arestado sa Las Piñas City

Las Piñas City – Pababalikin na sa South Korea ang isang pugante at bigtime swindler matapos mahuli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (FSU-BI) sa Barangay Almanza uno sa Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Kim Youngho na nadiskubreng mahigit dalawang taon na palang nagtatago sa bansa.

Ayon sa Korean embassy, pagmamay-ari ni Kim ang isang futures trading company sa Korea na nanghuthot ng mahigit 137-million won o katumbas sa mahigit anim na milyong piso sa kapwa mga koreano.


Kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang suspek.

Facebook Comments