Naglabas ng opisyal na pahayag si La Union Governor Raphaele Ortega-David matapos mapag-alaman ang malaking adjustment sa 2025 Annual Budget nang walang justification mula sa Sangguniang Panlalawigan.
Ayon sa Gobernador, ngayon pa lamang naaprubahan ang budget ngayong taon na dapat ay isinumite na bago pa man magsimula ang 2025.
Nilalaman din umano ng isinumiteng appropriation ordinance ng Sangguniang Panlalawigan ang pagbabawas sa budget ng mga opisina ng Tourism, Engineering, Health, Environment, Imformation at ilan pang tanggapan.
Pinakaapektado umano ang Office of the Provincial Governor na mula sa proposed budget na P35. 6 million para sa Annual Investment Plan ay nabawasan ito sa P650, 000. Kabilang pa dito ang burial at medical assistance na ginawang P200, 000 mula sa proposed P2 million.
Sa kabila ng malaking adjustment sa budget ng karamihan sa mga opisina ng Pamahalaang Panlalawigan, hindi rin umani nakatanggap ng justification letter ang bawat opisina upang maipaliwanag ang dahilan ng pagbabawas sa budget.
Sa huli, pinirmahan pa rin umano ng gobernador ang 2025 Annual Budget na isinumite ng Sangguniang Panlalawigan upang hindi na madelay ang kaukulang serbisyo para sa mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨