LA UNION PPO, PATULOY SA PAGSASAGAWA NG OPERASYON KONTRA KRIMEN

Patuloy ang La Union Police Provincial Office (PPO) sa pagsasagawa ng iba’t operasyon at kampanya kontra krimen.

Sa isang linggong operasyon, mula Oktubre 12 hanggang 18, 2026, kabilang ang pag-aresto sa mga suspek sa ilegal na droga, wanted persons, at mga lumalabag sa mga lokal na ordinansa.

Sa limang operasyon kontra ilegal na droga, limang indibidwal ang naaresto, habang nakumpiska ang 6.71 gramo ng shabu na may tinatayang halagang ₱45,628.

Kabilang sa mga naaresto ang isang high-value individual o HVI at apat na street-level individuals o SLI.

Samantala, anim na wanted persons ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon. Tatlo sa mga ito ang kabilang sa municipal most wanted persons, habang tatlo naman ang iba pang wanted persons.

Sa kampanya kontra paglabag sa mga lokal na ordinansa, nakapagtala ang pulisya ng 2,807 indibidwal na lumabag sa mga alituntunin ng mga lokal na pamahalaan.

Nagsagawa rin ang La Union PPO ng apat na operasyon kontra loose firearms, na nagresulta sa pag-aresto ng isang indibidwal, pagsuko ng isang baril, at pagsuko ng isang unit ng unserviceable or unregistered ordnance o UXO, ayon sa ulat.

Bukod dito, dalawang indibidwal ang nag-withdraw ng kanilang suporta sa Communist Terrorist Groups o CTGs.

Patuloy namang isinusulong ng La Union PPO ang mga operasyon para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan, alinsunod sa adhikain ng Philippine National Police na maghatid ng mabilis, tapat, at nararamdamang serbisyo sa publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments