Nakiisa ang Police Regional Office 1 (PRO 1) sa Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna at lindol.
Kabilang sa mga isinagawang pagsasanay ang tamang pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold” procedure, casualty rescue, wastong paghawak sa mga nasugatan at spinal immobilization gamit ang spine board upang matiyak ang ligtas na paglilipat at paglikas sa mga simulated earthquake victims.
Ipinakita rin ng mga kalahok ang wastong paggamit at kahalagahan ng Go Bags at iba pang emergency at safety equipment na kinakailangan sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency situations.
Binigyang-diin ng aktibidad ang kahalagahan ng pagiging handa, mapagmatyag, pagtutulungan at maayos na koordinasyon sa pagtugon sa mga sakuna upang matiyak na may sapat na kaalaman, kasanayan at kagamitan ang mga tauhan sa oras ng pangangailangan.
Sa pamamagitan ng pakikilahok sa naturang earthquake drill, muling pinagtitibay ng PRO 1 ang kanilang pangako na pangalagaan ang buhay, protektahan ang komunidad at panatilihin ang mataas na antas ng kahandaan sa pagharap sa anumang emergency at kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









