Naghahanda na ang mga kinauukulang tanggapan sa bayan ng Pozorrubio para sa isasagawang Brigada Eskwela bilang bahagi ng preparasyon sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.
Tinalakay sa isang pagpupulong ng lokal na disaster risk reduction and management office ang mga hakbang sa koordinasyon para sa programa ng Department of Education, kabilang ang pakikilahok ng mga civil society organizations at school disaster risk reduction coordinators sa ilalim ng early preparedness initiatives.
Bukod dito, tinalakay rin ang iba pang aktibidad sa Early Preparedness Actions (EPA), tulad ng 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na layong palakasin ang kakayahan ng mga paaralan at lokal na pamahalaan sa pagtugon sa emerhensiya.
Ayon sa ulat ng Department of Education, nakatakdang magsimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Pangasinan sa Hunyo 16, alinsunod sa school calendar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








