
Sa ngayon ay inaantabayanan pa ng Philippine National Police-Health Service ang resulta ng mga laboratory test na ginawa kay Sen. Rodante Marcoleta.
Dahil dito, ayon sa PNP Health Service, dahil wala pang resulta, hindi pa masabi kung maari nang ibyahe ang senador sa Sandiganbayan para sa return of warrant nito.
Nabatid na ilan sa mga nabanggit na mga laboratory test na isinagawa sa senador ay ang ECG, blood chemistry test, x-ray at 2D echo.
Ito na ang ikalawang araw ni Marcoleta sa PNP-General Hospital kung saan na-confine sya matapos ang pagdaing nito sa kanyang chest pain ,pananakit ng batok at pagtaas ng blood pressure nito.
Facebook Comments










