Lacson-Sotto tandem, tatalima sa umiiral na health and safety protocol sa panahon ng kampanya para sa 2022 national election

Tiniyak ngayon ng tambalang Lacson-Sotto na tatalima sila sa ipinaiiral na health at safety protocols sa buong panahon ng kampanya para sa eleksyon 2022.

Sa ginanap na press briefing sa multi-purpose hall sa Imus, Cavite, sinabi ni presidentiable Senator Panfilo Lacson na sinisiguro nila sa publiko na hindi na nila dadagdagan pa ang problema ng bansa.

Paliwanag pa ni Lacson na kung ang pag-uusapan ay karanasan sa politika, sila umano ang karapat-dapat na manalo dahil sila lamang ni Sotto ang may pinakamalawak na karanasan at pasok umano para sa naturang posisyon.


Nagtungo na sa Imus Grandstand ang Tandem Lacson-Sotto upang doon ipagpatuloy ang kanilang mga aktibidades at programa upang ipabatid sa publiko ang kanilang mga plataporma.

Facebook Comments