Lacson, tiniyak na aalisin ang mga kurakot at mga incompetent na opisyal at kawani ng gobyerno

Tiniyak ni Partido Reporma Chairman at standard bearer Panfilo “Ping” Lacson na lilinisin nito ang gobyerno mula sa mga opisyal at kawani na nagsinungaling sa kanilang sinumpaang tungkulin sa kaling manalong pangulo ng bansa.

Sa interview ng RMN News Nationwide, sinabi ni Lacson na numero unong problema ng bansa ang gobyerno kaya dito niya sisimulan ang paglilinis sa mga tiwali.

Aniya, gaya ng ginawa niya sa Philippine National Police (PNP) ay tatanggalin niya ang kultura ng pangongotong sa pamamagitan ng pagpapakita ng sarili niyang disiplina bilang halimbawa ng isang matinong lider.


Giit pa ni Lacson, walang ibang paraan ng paglilinis ng pamahalaan kundi ang maayos na disiplina.

Facebook Comments