Friday, June 12, 2026

Pondo para sa medical bills ng mga biktima ng lindol sa Mindanao, tiniyak ng Kamara

Tiniyak ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na walang babayaran sa ospital ang mga nasugatan dahil sa lindol na yumanig sa Mindanao.

Sinabi ito ni Dy sa kanyang pagbisita kahapon sa General Santos City at Sarangani Province para tingnan ang naging pinsala ng lindol.

Ito ay para maipaloob sa 2027 national budget ang pondo para sa pagsasaayos ng mga napinsalang pasilidad at imprastraktura.

Binanggit ni Dy na makakatanggap din ng tulong ang mga apektadong pamilya gayundin ang pagbangon ng mga komunidad na tinamaan ng trahedya.

Samantala, tiempong nakasabay naman ni Dy sa pagbisita sa mga lugar na nilindol sina Acting Senate President Sherwin Gatchalian, kasama sina Senators Erwin Tulfo, Migz Zubiri at JV Ejercito.

Ayon kay Gatchalian, partner at kaibigan nya si Speaker Dy at excited sya na ito ay makatrabaho.

Tugon naman ni Dy, magkikita sila sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 27.

Facebook Comments