Wednesday, August 26, 2026

PRC, nagdagdag ng medical volunteers sa San Lazaro Hospital dahil sa leptospirosis surge

Nagpadala ng karagdagang medical volunteers ang Philippine Red Cross (PRC) sa San Lazaro Hospital sa Maynila kasunod ng pagdami ng mga pasyenteng may leptospirosis.

Ayon sa PRC, 17 medical at support personnel ang ipinadala sa ospital matapos humingi ng tulong ang pamunuan nito dahil sa mataas na bilang ng mga pasyente.

Umabot sa humigit kumulang 139 leptospirosis patients ang naka-admit sa San Lazaro Hospital

Kabilang sa ipinadalang augmentation team ang anim na nurses, anim na student nurses, at iba pang staff.

Tumutulong sila sa pag-monitor ng vital signs at intake at output ng mga pasyente, gayundin sa mga kinakailangang laboratory tests.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, nakahanda silang magpadala pa ng karagdagang manpower sa mga ospital na nakararanas ng biglaang pagdami ng mga pasyente.

Facebook Comments