Arestado ang isang 28-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Urbiztondo Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Region 1 sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan, 12:30 ng madaling-araw nitong Oktubre 19, 2026.
Ayon sa pulisya, naaresto ang suspek matapos umanong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer kapalit ng ₱500.
Sa isinagawang body search, narekober pa mula sa suspek ang dalawa pang sachet ng hinihinalang shabu.
Tinatayang nasa isang gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang droga, na nagkakahalaga ng ₱6,800.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Muling tiniyak ng Urbiztondo Police na magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











