WANTED PERSON,ARESTADO SA BISA NG WARRANT OF AREST SA BASISTA, PANGASINAN

Arestado ang isang wanted person ng mga tauhan ng Basista Municipal Police Station na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004.

Ayon sa Basista Police, isinagawa ang pag-aresto 7:30 ng umaga nitong Oktubre 19, 2026, sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 5(a) ng nasabing batas.

Pinangunahan ang operasyon ng Basista Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Dexter A. Tayaba, Chief of Police.

Nakatakda namang magbayad ng piyansang ₱2000 ang akusado, alinsunod sa inilabas na warrant.

Patuloy na tiniyak ng Basista Police ang kanilang pagsisikap sa pagpapatupad ng batas, pag-aresto sa mga wanted person, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Muli namang hinikayat ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad naiulat ang anumang impormasyong makatutulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments