Lalaki, arestado sa tangkang panggagahasa sa isang dalagita sa Bulacan

Bulacan – Bugbog sarado ang isang lalaki matapos maaktuhang gagahasain ang isang 12-anyos na dalagita sa Brgy Camalig, Meycauayan, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Richard Gumatay Aquino.

Ayon sa saksing si Ian Mate, nagsumbong sa kaniya ang dalawang batang nangangalakal na nakita nilang kinaladkad ni Aquino ang isang babaeng estudyante papunta sa maputik na talahiban.


Sinabi naman ni Superintendent Lorenzo Kim Cobre, Chief of Police ng Meycauayan, Bulacan, tinakpan ng suspek ang bibig ng bata, sinuntok sa sikmura, saka sinakal.

Aminado naman ang suspek sa kaniyang ginawa sa biktima.

Sumasailalim na sa stress debriefing at counseling ng Department of Social Welfare and Development ang biktima.

Facebook Comments