LALAKI DUMURA LAMANG HABANG NAGMAMANEHO SA MANGALDAN, PANGASINAN, SUMALPOK SA POSTE

25
Pasado alas 7:15 kagabi ng ika-15 ng Setyembre, sumalpok ang isang rider matapos lamang itong dumura.
Nang tanungin ng iFM News Dagupan si John Mark Biagtan, 26-anyos, residente ng Brgy. Guilig, Mangaldan, dito sa Pangasinan, dumura lamang ito ngunit dahil sa hindi nito napansin ang poste na kanyang kasalubong ay dito na niya nahagip ang poste, nawalan ng kontrol at nagsarili sa disgrasya.
Dagdag pa rito, hindi naman daw ito nakainom o inaantok dahil kagagaling lang nito sa kanyang trabaho sa isang gasolinahan sa Calasiao.

Agad namang naitawag ng iFM News Dagupan ang pangyayari sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kasabay na rin ng pagtawag sa Municipal Rural Health Unit Ambulance para sa agarang lunas sa biktima.
Wala namang nadamay sa insidente at sa kabutihang palad walang natamong malalang sugat ang biktima at tanging galos at sakit lamang sa kanyang likuran at sa leeg ang ininda nito kung saan laking tulong din ang nakasuot na helmet.
Paalala naman ng awtoridad na mag-ingat sa lahat ng pagkakataon lalo na kung nagmamaneho at kung nais gawin, itabi muna ang sasakyan upang hindi na makaabala pa at hindi madisgrasya. | π—Άπ—³π—Ίπ—»π—²π˜„π˜€
Facebook Comments