Tuesday, June 9, 2026

PULISYA, NAGPAPATULOY SA FOOT PATROL SA DAGUPAN CITY

Nagsagawa ng foot patrolling operation ang mga tauhan ng City Mobile Force Company (CMFC) ng Dagupan City Police Office (DCPO) sa matataong lugar sa Dagupan City.

Layunin ng isinagawang foot patrol na mapalakas ang police visibility sa lugar, maiwasan ang posibleng kriminalidad, mabantayan ang mga usaping may kaugnayan sa kaligtasan ng publiko, mapatatag ang ugnayan ng pulisya at komunidad, at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa nasasakupan.

Ayon sa pulisya, mahalaga ang regular na pag-iikot ng mga kapulisan sa mga matataong lugar upang matiyak ang seguridad ng mga mamimili, manggagawa, at iba pang mamamayang bumibisita sa lugar.

Patuloy namang hinihikayat ng DCPO ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments