Thursday, July 9, 2026

MGA TODA MEMBERS SA BAYAMBANG, TUMANGGAP NG TUPAD PAYOUT

Nadagdagan ang suportang pangkabuhayan ng pamahalaan sa mga tricycle operator at driver sa Bayambang matapos makatanggap ng tig-₱10,100 ang 500 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).


‎Isinagawa ang payout sa pangunguna ng Department of Labor and Employment–Central Pangasinan Field Office (DOLE-CPFO), katuwang ang Public Employment Service Office (PESO)-Bayambang at Municipal Treasury Office. ‎ ‎

Sa pamamagitan ng programang ito, nabibigyan ng agarang suporta ang mga benepisyaryo habang nagsisikap silang makahanap ng mas matatag na hanapbuhay. ‎ ‎

Inaasahang magagamit ng mga tumanggap ng ayuda ang kanilang natanggap na kabayaran sa pang-araw-araw na gastusin ng kanilang pamilya, kasabay ng patuloy na pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapalakas ang kabuhayan ng sektor ng transportasyon sa Bayambang. ‎ | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments