ISANG BATA PATAY, 5 SUGATAN SA SALPUKANG NG VAN AT TRICYCLE

22
Kasamaang palad na nasawi ang isang taong gulang na bata habang sugatan naman ang lima pang indibidwal sa banggaan ng isang van at tricycle sa San Mateo, Isabela noong Hulyo 31, 2022.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa PNP San Mateo, parehong binabagtas ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na bahagi ng Santiago-Tuguegarao road sa San Mateo, Isabela ng biglang umagaw ng linya ang pampasaherong van na naging dahilan nang pagsalpok sa kasalubong na tricycle.

Kinilala ang drayber ng van na si Jose Bricia, 52 anyos at residente ng San Mateo habang ang drayber naman ng tricycle ay si Timple Apostol Macaraeg na residente ng Cabatuan,Isabela.

Ang drayber ng tricycle pati ang mga limang pasahero nito ay nagtamo ng malubang mga sugat dahil sa lakas ng impact ng salpukan.

Naisugod pa sa pagamutan ang mga sugatan ngunit idineklarang ng dead on arrival ang 1 anyos na batang biktima.

Napagalaman naman ng mga awtoridad na nakainom ang drayber ng van noong naganap ang aksidente kung kaya’t ito nahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments