LALAKING NAGNAKAW NG PATO NAKUHANAN NG DROGA AT BARIL SA ASINGAN, PANGASINAN

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki nang maaresto ng awtoridad dahil sa pagnanakaw nito ng pato at nakuhanan pa ng baril at droga sa Brgy Toboy bayan ng Asingan, Pangasinan.

Ang suspek ay si Macmac Peralta, 24 anyos.

Rumisponde sa lugar ang mga miyembro ng Asingan PS nang matanggap ang report na may nakakita sa suspek sa pagtangay nito ng pato.

Matapos maberipika (makumpirma) ang impormasyon ay nagsagawa sila ng hot pursuit operation at mabilis na naaresto ang salarin. Nabawi sa kanya ang alagang pato ni Fina Gaza na residente din ng lugar.

Isinailalim siya sa body search at nakuha sa kanya ang mga hinihinalang dahon ng marijuana na nakasilid sa kaha ng sigarilyo at isang kalibre 38 baril na may dalawang bala.

Kasalukuyan siyang nasa pasilidad ng himpilan at nahaharap sa mga patong patong na kaso. |ifmnews



Facebook Comments