Tuesday, July 21, 2026

Dalawang Pinoy seafarers, patay sa drone strike sa Black Sea; 12 iba pa, sugatan

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac na dalawang Filipino seafarers ang namatay sa drone strikes sa northern Black Sea na sakop ng southern Ukraine.

Ayon kay Cacdac, bukod dito, may 12 pang Pinoy seafarers ang nasugatan at isa ang nawawala.

Inihayag ni Cacdac na karaniwang target ng drone attacks sa Black Sea ang bulk carriers at oil tankers.

Ayon kay Cacdac, 4 sa 12 nasugatang Pinoy crew members ay nakauwi na ng Pilipinas.

Naiparating na rin aniya sa pamilya ng Pinoy seafarers ang sinapit ng kanilang kaanak.

Facebook Comments