45-ANYOS NA WANTED SA KASONG ROBBERY SA ROSALES, TIMBOG TARLAC

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 45-anyos na lalaki na wanted sa kasong robbery sa isinagawang law enforcement operation sa Barangay Poblacion, San Manuel, Tarlac noong Hunyo 9, 2026.

Kinilala ang suspek bilang isang construction worker at residente ng Barangay San Pedro East, Rosales, Pangasinan.

Arestado ito sa bisa ng warrant of arrest sa operasyong ikinasa ng Pangasinan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), katuwang ang San Manuel Municipal Police Station.

Ayon sa ulat, nahaharap ang suspek sa kasong robbery na may itinakdang piyansang nagkakahalaga ng P12,000. Ang naturang warrant ay inilabas noon pang taong 2001.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek habang hinihintay ang mga susunod na hakbang kaugnay ng kanyang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments