Arestado ang isang lalaki na kabilang sa Top 8 Municipal Most Wanted Persons ng Umingan, Pangasinan matapos ipatupad ang warrant of arrest laban sa kanya noong Setyembre 22, 2026.
Ang suspek, residente ng Barangay Poblacion West, Umingan, ay inaresto batay sa warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 52, Tayug, Pangasinan.
Nahaharap ang lalaki sa mga kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Section 12, Article II ng parehong batas kaugnay ng ilegal na pag-iingat ng drug paraphernalia.
Itinakda ng korte ang piyansa sa ₱200,000 para sa unang kaso at ₱40,000 naman para sa paglabag sa Section 12.
Pansamantalang nakapiit ang naarestong indibidwal sa Umingan Police Station. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






