Kalakuyan nang isinasagawa ang konstruksyon ng bagong covered court gymnasium sa Lucao Elementary School sa Dagupan City bilang karagdagang pasilidad para sa mga mag-aaral.
Personal na binisita ang isinasagawang konstruksyon ni City Mayor Belen FERNANDEZ, City Engineer Josephine Corpuz at Engineer Athena Arenas.
Ayon sa pamahalaang lungsod, inaasahang magagamit ang bagong pasilidad sa iba’t ibang aktibidad ng mga estudyante, kabilang ang mga gawaing makatutulong sa paglinang ng kanilang mga kasanayan at talento.
Magsisilbi rin itong masisilungan ng mga mag-aaral habang nasa paaralan, partikular sa panahon ng matinding init at pag-ulan.
Inaasahang makatutulong ang proyekto sa pagbibigay ng mas angkop na pasilidad para sa mga aktibidad ng mga mag-aaral at sa patuloy na pagpapabuti ng kanilang learning environment. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments





