Sinuri ng mga tauhan ng Urdaneta City Police Station ang mga drainage system at kanal sa Barangay Poblacion, Urdaneta City, partikular sa mga lugar na malapit sa mga financial establishment.
Isinagawa ang inspeksyon katuwang ang City Engineering Office bilang bahagi ng mga hakbang sa seguridad at pag-iwas sa krimen.
Para ito sa pagtukoy ng mga posibleng security vulnerability, masuri ang kondisyon ng mga drainage at kanal, at matiyak na nananatiling malinis, bukas at accessible ang mga ito.
Ayon sa pulisya, bahagi rin ng inspeksyon ang pag-iwas sa posibleng paggamit ng mga kanal at drainage bilang lugar para sa ilegal na aktibidad o posibleng escape route ng mga sangkot sa krimen.
Binigyang-diin ng Urdaneta Pulis ang kahalagahan ng koordinasyon ng pulisya, City Engineering Office, mga opisyal ng barangay at mga business establishment upang matugunan ang mga posibleng banta sa seguridad.
Layunin ng naturang proactive initiative na mapalakas ang crime prevention at mapanatili ang ligtas at maayos na kapaligiran para sa mga residente, financial establishment at publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







