Lead vocalist ng bandang Linkin Park na si Chester Bennington, natagpuan patay sa kaniyang bahay

Manila, Philippines – Sad news para sa mga die hard fans ng bandang Linkin Park.

Natagpuan na lamang patay ang lead vocalist ng banda na si Chester Bennington sa bahay nito palos verdes estates Sa Los Angeles County.

Hindi pa malinaw kung ano ang pagkmatay nito bagama’t sa paunang imbestigasyon ng mga pulis ay lumalabas na nagpakamatay ito.


Ikinalungkot naman ng mga kasama nito sa banda ang pagkamatay ng 41-anyos na si chester kung saan ilang Hollywood stars at music artist ay nagulat sa balita.

Maging ang asawa ni Chester na si Talinda Ann Bentley at mga anak na sina Jaime, Isaiah, Draven, Tyler Lee at kambal na sina Lily at Lila ay hindi pa din makapaniwala sa nangyari.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng Linkin Park ay ang “In The End”, “One Step Closer” at mga soundtracks sa movie ng transformer na “New Divide at What I’ve Done.

Facebook Comments