Lebel ng tubig sa mga dam sa bansa, patuloy na bumababa

37

Sa kabila ng nararanasang mga pag-ulan, patuloy pa rin ang pagbaba ng water level sa mga dam sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa PAGASA, bumaba pa sa 158.77 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam mula sa 159.09 meters na water level nito kahapon.


Bumaba naman ang water level sa Ipo Dam sa 99.67 meters.

Habang nadagdagan ang water level sa La Mesa Dam sa 69.20 meters.

Bahagya ring tumaas ang lebel ng tubig sa Ambuklao at Binga Dam.

Pero nabasawan naman ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Facebook Comments

From Advertisers