Lebron James, bagong NBA all time scoring leader; naungusan na si Kareem Abdul Jabbar

Itinanghal na bagong NBA all time scoring leader ang Los Angeles Lakers superstar na si Lebron James.

Ito ay makaraan na mahigitan ni Lebron sa scoring list ang legend na si Kareem Abdul-Jabbar sa laban ng Lakers kontra sa Oklahoma City Thunder.

Sa nasabing laban ay kumamada ng 38 points si Lebron para umakyat sa 38,339 ang kaniyang kabuuang puntos na naitala sa NBA career.


Nanuod ng laro ang ilang bigating personalidad ng larangan ng basketball kabilang na si NBA Commissioner Adam Silver at si Abdul-Jabbar na may hawak ng record mula pa noong April 1984.

Emosyonal naman si Lebron nang saglit na itigil ang laro upang bigyang daan ang historic moment at magpasalamat sa mga fans at kaniyang pamilya.

Samantala, sa kabila ng makasaysayang gabi para kay Lebron ay hindi naman pinalagpas ng OKC ang pagkakataon at tinalo nila ang Lakers na nagtapos sa score na 133-130.

“You guys are one of a kind. To be able to be in the presence of such a legend as great as Kareem, it’s very humbling.” Ani Lebron James.

 

Facebook Comments