
Humingi ng kopya ng subpoena sa National Bureau of Investigation o NBI ang abogado ni Peanut Gallery Media Network (PGMN) Host CJ Hirro na si Atty. Lian Marco Cacapit.
Ayon kay Atty. Cacapit, wala kasi silang natanggap na kopya ng subpoena ng NBI.
Sinabi ni Cacapit na nais nilang ma-verify ang dokumento at makipagtulungan sa imbestigasyon ng NBI.
Nilinaw naman ni Atty. Cacapit na hindi nagtatago ang kanyang kliyente.
Una nang inaresto ng NBI si Franco Mabanta, founder ng Peanut Gallery Media Network, kasama ang ilan pang indibidwal kaugnay ng reklamong extortion.
Iniimbestigahan din ng NBI ang posibleng partisipasyon ng ilan pang personalidad na nadadawit sa kaso.
Kabilang si Hirro na persons of interest sa reklamo laban sa grupo nina Franco.
Facebook Comments










