Isinasagawa ng 71st Infantry (Kaibigan) Battalion, Philippine Army ang nakaiskedyul na Rehearsal of Concept (ROC) Drill para sa Territorial Defense sa San Carlos City na nagsimula noong Agosto 24 at magtatagal hanggang 28.
Ayon sa abiso ng Local Government Unit (LGU) ng San Carlos City, maaaring mapansin ng mga residente ang paggalaw ng mga military personnel sa ilang lugar sa lungsod bilang bahagi ng naturang pagsasanay.
Dahil dito, pinayuhan ng mga awtoridad ang publiko na manatiling kalmado at makipagtulungan sa mga awtoridad habang isinasagawa ang military drill.
Ipinaalala rin sa mga residente na ang presensya at paggalaw ng mga tauhan ng Philippine Army ay bahagi ng nakaiskedyul na training activity. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









