BOLINAO FALLS, PATAR BEACH NAGPATUPAD NG SWIMMING BAN DAHIL SA KONDISYON NG TUBIG

‎Pansamantalang ipinagbawal ang paglangoy sa Bolinao Falls at Patar Beach kahapon Agosto 24, 2026 dahil sa malakas na agos at hindi malinaw na kondisyon ng tubig.

‎Sa inilabas na Tourist Advisory, pinaalalahanan ang mga turista at publiko na huwag munang lumangoy sa dalawang sikat na destinasyon bilang bahagi ng mga hakbang upang maiwasan ang anumang insidente at mapanatili ang kaligtasan ng mga bisita.

‎Hinikayat ang mga turista na makiisa at sumunod sa ipinatutupad na pagbabawal habang patuloy na tinututukan ng mga lokal na awtoridad ang kondisyon ng tubig at agos sa mga lugar.

‎Pinapayuhan din ang publiko na manatiling updated sa mga opisyal na anunsyo mula sa mga lokal na awtoridad bago magtungo o magsagawa ng anumang water activities sa Bolinao Falls at Patar Beach. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments