LGU DAGUPAN, NAGPAALALA SA MGA BAKASYUNISTA KONTRA HEAT STROKE AT DEHYDRATION

Nagbigay ng paalala at health tips ang Pamahalaang Panlungsod ng Dagupan kaugnay ng matinding init ng panahon lalo na sa mga residente at kabataang kasalukuyang nagbabakasyon.

Sa ginanap na flag raising ceremony nitong Lunes, Mayo 18, sinabi ng LGU Dagupan na kaakibat ng kasiyahan ngayong tag-init ang banta ng dehydration, heat stroke at iba pang health risks lalo na sa mga matagal na nabababad sa ilalim ng araw.

Dahil dito, hinikayat nila ang publiko na manatiling hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na tubig imbes na flavored drinks at gumamit ng sunblock upang maprotektahan ang balat laban sa direktang sikat ng araw na maaaring magdulot ng skin cancer.

Sinabi ng lungsod na iwasan muna ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan at agad na maligo matapos ma-expose sa init ng araw, gayundin ang wastong pagkain at sapat na tulog para maiwasan ang masamang epekto ng matinding init ngayong tag-araw.

Kaugnay nito, batay sa datos ng PAGASA, naglalaro parin sa danger level ang heat index sa buong lalawigan kasabay ng katamtaman hanggang sa maulan na panahon tuwing hapon o gabi. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments