DTI PANGASINAN, INILUNSAD ANG BALIK-ESKWELA DISKWENTO CARAVAN PARA SA ABOT-KAYANG SCHOOL SUPPLIES

Inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan, katuwang ang ilang Mall, ang Balik-Eskwela Diskwento Caravan upang matulungan ang mga magulang at estudyante sa paghahanda para sa nalalapit na pasukan. ‎

‎Kasabay ng aktibidad, nagsagawa rin ang DTI Pangasinan ng price at supply monitoring sa iba’t ibang school supplies upang matiyak ang patas na presyo at sapat na suplay ng mga produkto sa merkado. ‎

‎Batay sa isinagawang monitoring, nananatiling pasok at may ilang produktong mas mababa pa sa itinakdang presyo sa ilalim ng 2026 DTI Price Guide. ‎

Pinaalalahanan din ng DTI ang publiko na maging mapanuri at maalam sa pamimili lalo na ngayong inaasahang tataas ang demand sa mga school items habang papalapit ang pasukan. ‎

Layunin ng programa na makapagbigay ng abot-kaya at may diskwentong school supplies para sa mga mamimiling Pilipino habang papalapit ang pagbubukas ng klase sa June 8, 2026. ‎ | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments