DENR AT LGU SAN NICOLAS, PAIIGTINGIN ANG PROTEKSIYON SA MT. CARABALLO

Magtutulungan ang DENR Region 1 at Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas sa pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan at pagbuo ng mga ordinansa para protektahan ang 930.44 ektaryang kagubatan sa Mt. Caraballo.

Nilagdaan nina DENR Region 1 Regional Executive Director Atty. Ronnel C. Sopsop, CESO IV, at Mayor Alicia Primicias-Enriquez ang Memorandum of Agreement (MOA) para pangalagaan ang Philippine deer at iba pang nanganganib na wildlife sa mga barangay ng Bensican, Salpad, at Fianza.

Ayon sa ulat, sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang DENR ng teknikal na suporta, pagsasanay, monitoring, at tulong sa pagpapatupad ng mga batas pangkalikasan.

Pangungunahan naman ng lokal na pamahalaan ang pagbuo ng mga ordinansa para sa proteksiyon ng lugar.

Nasa 10 taon ang bisa ng naturang kasunduan, maliban kung maagang wakasan o i-renew sa pamamagitan ng magkaparehong kasunduan ng dalawang panig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments