
Nagpasalamat si Senator Ronald Bato Dela Rosa kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla dahil nalaman ng senador ang impormasyon tungkol sa warrant of arrest sa kanya ng International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Dela Rosa na dahil nabigyan siya ng advance information ni Remulla ay naka-enjoy siya ng anim na buwan at nakapag-bible study siya ng husto.
Ayon pa kay Dela Rosa, naging batayan lang niya ng mga impormasyon ay ang Malakanyang at dito’y pinasalamatan niya si Remulla.
Kung matatandaan, mula noong Nobyembre nang ianunsyo ni Remulla na mayroong ICC warrant laban kay Dela Rosa ay hindi na nagpakita at pumasok sa Senado ang mambabatas.
Samantala, wala pang pahayag si Dela Rosa tungkol sa resolusyon na inihain sa kanya ng limang senador sa pangunguna ni Senator Tito Sotto III kung saan hinihimok nila si Dela Rosa na boluntaryong isuko ang sarili sa mga otoridad.
Ipinagpapasa-Diyos din ni Dela Rosa kung gaano katagal ang kanyang naturang sitwasyon.










