Kinondena ng Dagupan City government ang insidenteng naganap sa Zamboanga, kasunod ng sunod-sunod na insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga kabataan.
Ayon sa lungsod, nakababahala ang nangyari sa Zamboanga, lalo na katatapos lamang umano ng school shooting sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo.
Binigyang-diin ng Dagupan LGU na hindi dapat balewalain ang ganitong mga insidente at hinikayat ang mga magulang, guro at komunidad na maging mapagmatyag sa mga nakikita, sinasabi at pino-post ng mga kabataan online.
Nanawagan din ang lungsod na agad i-report ang anumang banta at huwag ikalat ang mga nakakabahalang content sa social media.
Binanggit din ng lokal na pamahalaan ang pagsusulong ng SAFEnet bilang isang inisyatiba sa pagpapalaganap ng digital awareness, responsableng paggamit ng social media at paghimok sa kabataan.
Giit ng lungsod, dapat manatiling ligtas ang mga paaralan para sa mga estudyante at kailangan ang pagtutulungan ng buong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











