MANAOAG, ISINUSULONG ANG MAS PINALAWAK NA TURISMO

‎Kilala ang bayan ng Manaoag dahil sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag, o mas kilala bilang Manaoag Church, na patuloy na dinarayo ng libo-libong deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

‎Gayunman, nais ng lokal na pamahalaan na higit pang ipakilala ang Manaoag bilang isang tourist destination na hindi lamang nakasentro sa pilgrimage at debosyon.

‎Ayon kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, na siya ring LMP Pangasinan President, naging inspirasyon ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pagdagsa ng mga bisita upang makapag-alok pa ng mga bagong aktibidad at atraksyon sa bayan.


‎Bukod sa pagpapalawak ng sektor ng turismo, layunin din ng lokal na pamahalaan na makalikha ng mas maraming trabaho at kabuhayan para sa mga residente.

‎Dahil dito, isinusulong ang pagdaragdag ng mga tourist spot at iba pang aktibidad na maaaring tangkilikin ng mga bisita.

‎Sa pamamagitan nito, umaasa ang lokal na pamahalaan na mahihikayat ang mga turista na manatili nang mas matagal sa Manaoag, tuklasin ang iba pang atraksyon ng bayan, at higit na makapag-ambag sa paglikha ng mga oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments