MGA COMMUNITY GARDEN SA BAYAMBANG, SINURI BILANG BAHAGI NG KAMPANYA SA FOOD SECURITY AT NUTRISYON

Masusing sinuri ng lokal na pamahalaan ng Bayambang ang mga community garden at iba pang proyektong pangkalikasan sa 15 barangay bilang bahagi ng on-site validation para sa programang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG).

‎Isinagawa ang validation sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture, Municipal Nutrition Action Office, Municipal Environment and Natural Resources Officer, at Department of the Interior and Local Government (DILG), upang personal na makita ang lawak ng pagpapatupad ng programa sa bawat komunidad.

‎Bukod sa aktuwal na kalagayan ng mga gulayan, tinutukan din ng validation team ang mga inisyatibong may kaugnayan sa nutrisyon, sustainable gardening, at pangangalaga sa kalikasan.

Kabilang sa batayan ng pagsusuri ang backyard gardening, HAPAG communal garden, ornamental plants o vegetation, paggamit ng recyclable materials, at paggamit ng organic materials at produkto.

‎Kaakibat din ng aktibidad ang pagsusulong ng tema ng 2026 Nutrition Month na “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!” Na kung saan sinuri rin ang mga dokumento, larawan, at iba pang rekord bilang patunay ng aktibong partisipasyon ng bawat barangay sa HAPAG Project.

‎Nakatakdang parangalan sa darating na Nutrition Month Culmination Day ang mga barangay na magpapakita ng natatanging implementasyon at dedikasyon sa programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments