Monday, April 27, 2026

Special ASEAN ministers on energy meeting, isinagawa kasunod ng global energy crisis

Nagtipon-tipon ang ASEAN Senior Officials Meeting on Energy (SOME) para sa Ad Hoc Preparatory Meeting at Consultative Session with Dialogue Partners para sa Special ASEAN Ministers on Energy Meeting (AMEM).

Layon ng pagpupulong na pag-usapan ang mga development sa krisis sa langis na dulot ng krisis sa Middle East.

Biniigyang diin naman ni Undersecretary Felix William Fuentebella, Philippine Senior Official on Energy at SOME Chair ang kahalagahan ng agarang koordinasyon sa gitna ng mga development na nakakaapekto sa global at regional energy markets.

Sa isinagawang consultative session ibinahagi ng mga dialogue partners ang mga update sa kasalukuyang kondisyon ng suplay ng langis at nagpalitan din ng kuro-kuro ang mga lider para sa pagresolba sa krisis.

Kabilang pa napag-usapan ang isyu sa supply diversification, access sa energy resources, market transparency at emergency response coordination.

Tiniyak naman ng Pilipinas na host ng ASEAN na patuloy ang pagbuo nila ng cooperation frameworks bilang suporta sa matatag at secure regional energy environment.

Facebook Comments